|
|
- Mga Apela at Reklamo
Kung tinanggihan ang inyong aplikasyon, makatatanggap kayo ng
isang sulat-pahayag na malinaw na ipinaliliwanag ang desisyon,
kasabay rin impormasyon ukol sa kung anong karapatan mayroon kayo
upang umapela laban sa naging desisyon. Isinasaad sa inyong liham
na pagtanggi kung paano gagawin ito.
Kung nais ninyong isagawa ang inyong karapatang umapela, maari
ninyong ipadala ang mga ito sa pamamagitan ng sulat sa:
Asylum and Immigration Tribunal
PO Box 7866
Loughborough LE11 2 XZ
United Kingdom
O kaya naman sa:
The Visa Section British Embassy, Manila
Kung nagdesisyon kayong ipadala ang inyong mga papeles sa visa
section, maari itong maantala bago ito maipadala sa Asylum and
Immigration Tribunal (AIT), sapagkat isang beses kada linggo lamang
nagpapadala ng mga dokumento sa UK.
Sa isang lugar mo lamang dapat ipadala ang inyong apela. Kung
napagdesisyunan mong dalhin ang inyong apela sa visa sestion,
mangyaring siguraduhin na hindi pa nakapagpadala ang inyong sponsor
ng apela para sa inyo. Kung nakagawa na sila, hindi mo na kailangang
magpadala pa ng apela sa visa section.
Sa oras na matanggap ng AIT ang inyong appeal form, susulatan
nila kayo upang ipaalam kung kalian ang petsa at oras nang pagdinig
sa inyong kaso.
Para sa pagsulat sa: Asylum and Immigration Tribunal,Tribunals
Group Customer Service Centre, PO Box 7866, Loughborough, LE11
2XZ fax to +44(0) 1509221699
- Makikita sa website ng UK Border Agency ang
mga impormasyon ukol sa pangkalahatang apela.
Mayroong isang Duty Manager sa Application Centre na hahawak sa
lahat ng mga reklamo. Kung nais ninyong magbigay ng reklamo kailangan
ninyong markahan ito na naka-attention sa Duty Manager.
Address ng UK Visa Application Centre
VFS Services Philippines Private Inc.
Phil-Axa Building, 2501-02,
1286 Sen. Gil Puyat Avenue, Corner Tindalo Street,
Makati City, Manila
Philippines
Maari rin kayong mag-e-mail sa: info.ukph@vfshelpline.com
Kung nais ninyong magbigay ng puna o reklamo ukol sa serbisyo
na inyong natanggap mula sa Visa Section sa British
Embassy, mangyaring sumulat sa:
BRITISH EMBASSY
120 Upper McKinley Road
McKinley Town Center
Fort Bonifacio
Taguig City 1634 Metro Manila
|
|