|
|
- Paano mag-apply?
- Kailangang mag-fill-up sa online application form ang mga
Istudyante, Seafarers at ang kanilang mga dependent sa pamamagitan
nang pagtungo sa sebsite ng visa4uk.fco.gov.uk
at dalhin ito sa Visa Application Centre.
Maari kang mag fill-up ng application form online sa pamamagitan
ng pagkompleto ng isang Visa Application Form (VAF) sa website
www.visa4uk.fco.gov.uk
at dalhin ito sa Visa Application Centre. Maaring
i-download ang mga Visa Application Forms mula sa website
ng UK Border Agency. Maaring makuha ang iba pang impormasyon
mula sa UK
Border Agency leaflets ukol sa iba't ibang mga kategorya
ng mga aplikasyon.
- Mga detalye ukol sa serbisyong
Fast Track
- Sa pamamagitan ng Paunang Appointment: Mahigpit naming
inirerekomenda na bumisita kayo sa aming Application Centre
sa pamamagitan ng paunang appointment. Makatutulong ito na
makatipid kayo sa oras ng paghihintay. Partikular ninyong
mapahahalagahan ang pasilidad namin sa appointment sa panahon
na abala kung saan hindi maiwasan ang mahabang pila. Upang
gawin ang pagbibigay ng appointment, maari ninyong gawin ang
alin man sa mga sumusunod:
- Online Appointment - sapaggamit ng website na
ito, i-click ang Appointment Scheduling page. Gagabayan
kanito patungo sa proseso ng paggawa ng appointment.
- Tumawag sa Call Centre - Para sa PLDT / Smart
Subscriber 1-909-885-VISA (8472).
Para sa Bayantel 1-903-VISAUK or 1-903-847285
- Pagsa-submit sa pamamagitan ng Walk-in na walang Paunang
Appointment:
Epektibo mula ika-1 ng Enero 20008 maari lamang ma-accommodate
ang mga aplikante na hindi nakapagbigay ng paunang appointment
mula ika - 0800 hanggang ika-0900 ng umaga lamang, Lunes
hanggang Biyernes.
Ipinababatid namin sa mga aplikanteng Walk-in na maaaring
magtagal ang pila bago kayo maharap ng UK VAC Submmission
Officer alinman mula sa dagliang minuto o kaya naman hanggang
dalawang oras o higit pa, depende sa dami ng mga aplikante
sa anumang partikular na araw. Para sa inyong kagaanan, mahigpit
naming inirerekomenda na magsagawa ng appointment sa paraang
ipinaliwanag sa itaas.
- Mangyaring tanganan na tanging ang mga aplikante lamang
ang papayagan sa loob ng application center. Ang hindi
lamang kasama sa patakarang ito ang mga may sinasamahang bata
na wala pang labing walong (18) taon o kaya mga aplikanteng
nangangailangan ng espesyal na tulong sa kadahilanang pangkalusugan
o kapansanan.
- Saan magbabayad ng
inyong visa application fee
- Maaring maisagawa ang tatlong (3) mabilis na
paraan ng mga aplikanteng nagbayad ng kanilang visa
application fee sa pamamagitan ng pagkuha ng isang
Manager's Cheque, ATM, O KAYA sa pagbabayad ng CASH
sa mga counter ng anumang bangko ng Standard Chartered
Bank, Bank of Philippine Islands, Banco De Oro or
Metro Bank:
- Para sa CASH sa counter ng mga bangko: Kumuha
ng resibo ng bayad mula sa alinmang bangko ng
Standard Chartered Bank, Bank of Philippine
Islands, Banco De Oro and Metro Bank. Mangyaring
magdala ng isang photocopy ng inyong pasaporte
sa inyong pagpunta sa bangko upang magbayad
ng visa fee. Maari kayong gumawa ng appointment
sa online isang araw matapos ng inyong pagbabayad.
- Para sa ATM: Itago ang inyong resibo ng ATM
transaction upang magsilbing patunay ng inyong
pagbabayad ng visa at ipakita ang resibo kasabay
ng inyong pagsa-submit ng inyong aplikasyon
sa Visa Application Centre. Maari kayong mag-schedule
ng appointment isang araw matapos ang inyong
pagbabayad ng visa sa isang ATM BancNet.
- Para sa Manager's Cheque: Maari kayong kumuha
ng isang Manager's Cheque mula sa alinmang bangko
ng Standard Chartered Bank, Bank of Philippine
Islands, Banco De Oro and Metro Bank. Maari
kayong gumawa ng appointment sa online nang
araw ding iyon.
- Para sa Online: Maari kayong tumungo sa Bancnet
Online website: http://www.bancnetonline.com.
LIBRE ang opsyong ito sa alin mang sinisingil
ng bangko na serbisyo kung ito ang inyong pipiliin
sa pagbabayad ng inyong visa.
Mangyaring tunghayan ang mga tuntunin sa ibaba
kung gagamitin sa pagbabayad ng visa ang BancNet
Online - UK Visa:
- Unang Hakbang: Tumungo sa BancNet - Online
website: http://www.bancnetonline.com
- Ikalawang Hakbang: Piliin ang inyong bangko
na magsasagawa ng inyong pagbabayad para sa British
UK visa. Sa kaliwang bahagi ng inyong screen shot,
piliin ang isang Bancnet-member bank (halimbawa
- Standard Chartered Bank), sa pagsasagawa ng
transaksyon sa online.
- Ikatlong Hakbang: Isang hiwalay na window ang
magbubukas at kayo'y dadalhin sa isang ligtas
na sesyon (HTTPS). Mangyaring basahin o kaya uanawain
ang mga Itinatadhana at mga Kondisyon. I-click
ang button na "I Agree" (Sumasang-ayon Ako) na
inyong makikita sa screen upang makapagpatuloy
kayo,
- Ikaapat na Hakbang: Lalabas ang window ng Balance
inquiry. Mula sa kaliwang bahagi ng screen, i-click
ang "Payment" upang magpatuloy sa pagbabayad ng
online.
- Ikalimang Hakbang: Matapos ang ikaapat na hakbang,
dadalhin ka nito sa Payment window. Piliin ang
Biller/Institution mula sa drop down.
- Ikaanim na Hakbang: Piliin ang British Embassy
Gaano katagal matapos kong bayaran ang visa
online na maari kong mai-submit ang aking aplikasyon
sa visa application centre:
- Kung nagbayad ka sa pagitan ng ika-12:00 ng
hatinggabi hanggang ika-1:00 ng hapon, maaring
gawin ang submission isang (1) araw matapos ang
pagbabayad.
- Kung nagbayad ka naman sa pagitan ng ika-1:00
ng hapon hanggang ika-12:00 ng hatinggabi, maaring
gawin ang submission dalawang (2) matapos gawin
ang pagbabayad.
|
- Maari kang mag- Schedule ng appointment
sa website na ito isang araw mula sa petsa ng pagbayad sa
bangko.
- Mga kinakailangang Dokumentasyon
Kinakailangan ang mga sumusunod na dokumentasyon sa lahat ng pagkakataon.
Mangyaring mag-submit ng orihinal na mga dokumento na may isang
photocopy bawat isa. Ibabalik muli ang mga orihinal matapos maisagawa
ang huling desisyon ng isang Entry Clearance Officer:
- Isang PIRMADONG visa application form (VAF)
na inyong sinulatan nang tama kasama ang isang PIRMADONG Deklarasyon.
- Ang inyong passport o dokumento sa paglalakbay na may balidasyong
rekomendado na anim (6) na buwan.
- Isang PIRMADONG Application Checklist
- Mga makatutulong na dokumento na may kaugnayan sa inyong
aplikasyon.
- Ang resibo ng pagbabayad ng visa
application fee.
- Ang kasalukuyan ninyong larawan na coloured passport-size
(45mm x 35mm) coloured.
- Mga Larawan
 |
|
Mga Ispisipikasyon ng Larawan
Mangyaring magbigay ng kasalukyang larawan (hindi
lampas sa anim na buwan ang tagal) ng inyong sarili.
Dapat coloured o may kulay ang larawan at:
1.Laban sa puting kulay ang likuran na kuha ng larawan
upang malinaw na nakikita ang mukha (Mangyaring
iwasan ang puting kasuotan kung maari);
2. Malinaw at maayos ang kalidad, at hindi nakakahon
o nakabaligtad;
3. Naka-print sa normal na papel na panlarawan;
4. Hindi naka-mount o nakabukol ang larawan - 45
mm x 35 mm ang laki;
5. Buong mukha at walang sunglasses, sumbrero o
anumang nakapatong sa ulo, liban lamang sa mga applicant
na naglalagay ng mga bagay sa ulo dahil sa kultural
o relihiyon.
PAALALA: HINDI TATANGGAPIN
ANG MGA LARAWANG HINDI SUMUSUNOD SA NABANGGIT NA
STANDARD AT MAARING MAGING DAHILAN NG PAGKABALAM
SA PAGPROSESO NG APPLICATION.
|
|
Pahayag: Hihingan ang mga nag-a-apply para sa paninirahan
(settlement) bilang mga magulang, lolo at lola ant iba pang mga
dependent na mga kamag-anak, na magbigay nang natapos na kopya
ng sponsohip undertaking (dapat kompletuhin ng sponsor). Nagkakaloob
ang UK Border Agency ng a
leaflet for Sponsors, which includes the sponsorship undertaking
form.
Maaari ring mag-download ng kaukulang checklist
upang kompirmahin kung anong mga kakailanganin na makatutulong
ng dokumnetasyon na isa-submit sa Application Centre.
Kung nag-a-apply
ka sa ilalim ng Tier One General ng Points Based System o
Highly Skilled Migrants, maaaring makita sa website ng UK Border
Agency ang lahat ng mga detalye, kasama ang Administratibong Pagsusuri.
Isang bagong sistema ang Points Based System (PBS) sa pamamahala
ng migrasyon para sa mga nagnanais na pumasok ng UK upang magtrabaho
o mag-aral. Mangyaring bisitahin ang www.ukba.homeoffice.gov.uk
para sa iba pang impormasyon at ang Self-Assessment Calculator.
Maaaring mag-submit ng iyong mga aplikasyon sa lahat ng mga kategorya
ng Tier 1 simula ika-30 ng Hunyo 2008:
Mga Kategorya ng Tier 1:
- Tier 1 (Pangkalahatan) Migrante
- Tier 1 (Investor)
- Tier 1 (Entrepreneur)
- Tier 1 (Post-Study Work)
Mula sa bagong desisyon ng Mataas na Hukuman sa UK na nagresulta
mula sa Highly Skilled Judicial Review na naapektuhan ang ilang
mga tao na dati nang umalis ng UK sa ilalim ng Highly Skilled
Migrant Programme (HSMP). Maari kayong sakop ng desisyong ito
kung kayo'y maisasama sa ilalim ng HSMP kasunduan na datihan nang
nakatalaga hanggang sa masuspinde ang panukala noong ika-7 ng
Nobyembre 2006 at ika'y maarin
a) nag-apply para rito at tinanggihang makapagbakasyon upang manatili
sa ilalim ng bagong
mga tuntunin sa ekstensyon na kung saan nagkabisa noong ika-5
ng Disyembre 2006, at sumunod na umalis ng UK; o kaya
b) umalis ng UK bago ang ika-7 ng Nobyembre 2006 na hindi kailanman
nag-apply ng
pagpapahaba ng bakasyon upang manatili sa bagong mga tuntunin.
Makikita sa UK Border Agency website ang isang dokumento ng patakaran
na detelyadong ipinaliliwanag kung sino ang apektado ng desisyon.
Mga Form at mga Gabay
Makikita sa Visa Services website ang
gabay sa paggawa at pag-assess ng mga aplikasyon sa ilalim ng
SHMP Judicial Review Judgement.
Pinalawak ang istandardisadong form ng PBS (VAF 9) at Appendix
1(Tier 1- General) upang hayaang magamit ng HSMP Forum JR na mga
aplikante sa magkatulad na kategorya; ie (a) at (b).
Pagbuo ng inyong aplikasyon
Kailangang gawin ang inyong mga aplikasyon sa magkatulad na
kategorya sa angkop na lugar ng visa o sa VAC bilang nakagawian.
Hindi na sisingilin ng bayad ang mga aplikasyon ng Kategorya (a);
samantalang dapat bayaran ang mga aplikasyon ng Tier 1 sa Kategoryang
(b).
Mangayaring puntahan ang mga link sa ibaba para sa iba pang mga
impormasyon sa ibabang mga kategorya:
- Lokasyon ng VAC
Matatagpuan ang Application Centre sa:
Phil-Axa Building, 2501-02,
1286 Sen. Gil Puyat Avenue,
Corner Tindalo Street,
Makati City, Manila Philippines
Road Map For Phil
AXA.
Mangyaring dumating kayo sa UK Visa Application Centre sampung
(10) minute bago ang inyong oras ng appointment.
Tatanggapin kayo sa inyong pagbisita sa Application Centre nang
walang paunang appointment. Ilalagay kayo sa isang regular na
linya. Mangyaring tandaan na sa mga abalang panahon, maaring limitahan
ang bilang ng mga taong tatanggapin sa regular na linya o pila
ukol sa kadahilanan ng kontrol/pamamahala.
- Sino ang kailangang mag-submit ng aplikasyon?
Ipinababatid ng British Embassy ang fingerprinting na epektibo
mula noong ika-31 ng Mayo 2007, na kung saan kailangang pumunta
ng bawat aplikante nang personal sa Application Centre upang mag-submit
ng aplikasyon at kasabay ng pagkakaroon ng kanilang biometric
enrolment.
Koleksyon
ng Biometric data para sa mga aplikante ng visa
- Ang Customer na may Kapansanan
Nilalayon ng VFS na siguraduhin na magagamit at nagagamit ang
kanilang pasilidad ng bawat isa, kasama ang may mga kapansanan.
Nagkakaloob ang gusali ng Phil-AXA ng mga pasilidad na magagamit
sa mga sidewalk, entrance, corridors, elevators, restrooms, at
sa looban n gaming application centre.
Kung kakailanganin ninyo o ng sinumang kasapi ng inyong pamilya
ng isa wheelchair o espsyal na gamit panlakad sa pagsa-submit
ng inyong aplikasyon, mayroon kaming mga kagamitan para rito para
sa inyo na walang karagdagang bayad. Gumawa lamang ng kahilingan
sa aming security o tumawag sa aming helpline, at maligaya po
naming ipagkakaloob ito sa inyo para sa inyong paggamit.
|
|