English
  Current Updates
  Home
  Pag-a-apply ng Visa
  Mag-Schedule ng Appointment
  Track Your Application
  Mga Bayarin sa Visa
  Karagdagang Serbisyo
  Madalas na mga Katanungan
  Serbisyo sa mga Tagatangkilik at Pagbibigay Puna
  Mga Apela
  Makipag-ugnayan sa Amin
   
   

  • Madalas na mga Katanungan (FAQs)

    Pag-a-Apply ng isang Visa

    1. Saan ko maaring dalhin ang aking aplikasyon sa visa?
      Dapat dalhin ang lahat ng mga aplikasyon para sa UK Visa sa aming opisina sa Manila. Para sa mga detalye sa pagdadala ng isang aplikasyon mangayaring tunghayan ang pahina ng Paano ako mag-a-apply.

    2. Anong aplikasyon ng visa ang maari kong i-submit sa UKVACS?
      Maari mong i-submit ang lahat ng forms ng mga kategorya ng visa sa opisina ng UKVACS sa Manila: Unit 2501/2502,Phil Axa Life, 1286 Sen Gil Puyat Avenue, Corner of Tindalo Street, Makati City.

    3. Paano ako makakukuha ng visa application form at iba pang karagdagang kaalaman o babasahing impormasyon ukol sa visa?
      Maari kang makakuha ng visa application form at iba pang karagdagang kaalaman at babasahin nang walang bayad mula sa aming opisina sa Manila. Maari kang mag-download ng visa application form at tumingin ng mga kakailanganin mula sa website ng UK Border Agency ng wala ring bayad.

    4. Paano ko dadalhin ang aking aplikasyon ng visa?
      Maaring dalhin nang personal ang mga aplikasyon sa opisina ng UK VAC sa ilalim ng link na
      Contact Us. Bukas ang opisina para sa pagsusumite ng dokumento mula Lunes hanggang Biyernes sa pagitan ng ika-8:00 ng umaga hanggang ika-2:00 ng hapon. Maari lamang pumunta mula Lunes hanggang Biyernes sa pagitan ng ika-7:00 hanggang ika-8:00 ng umaga ang mga aplikante na walang paunang appointment. Inirerekomenda namin na gumawa ng paunang appointment sa online ang lahat ng mga aplikante ng UK visa na pupunta ng opisina upang dalhin ang kanilang aplikasyon sa visa. Upang gumawa ng appointement, hinihiling sa mga aplikante na piliin ang link ng Appointment Scheduling.

      Para sa pagbabalik ng inyong pasaporte at mga dokumento - maari ninyong magamit ang aming courier service na napakakombinyente at opsyunal o kaya naman maari ninyong piliin na tanggapin ang nabanggit sa aming mga counter, sa oras na ibinalik na ang mga ito ng British Embassy.

    5. Ano ang aking kailangan upang kompletuhin ang aking aplikasyon?
      Dipende ito sa kung anong kategorya ng visa ang inyong inaaplayan. Sa lahat ng pagkakataon kakailanganin ninyo ang mga sumusunod:
      • Isang visa application form, na kailangan ninyong sulatan nang tama.
      • Ang inyong pasaporte o mga dokumento sa paglalakbay
      • Isang kasalukuyang passport-sized (45mm x 35mm - colour) na larawan ng inyong sarili. Dapat itong:
        • Kinunan laban sa malinaw na likuran
        • Malinaw at maganda ang kalidad, at hindi naka-frame o kaya nasa likuran
        • Naka-print sa isang normal naphotographic paper, at
        • Buong mukha at walang mga sunglasses, sumbrelo, o anumang takip sa ulo, liban na lamang sa kung kailangan itong suot dahil sa kultural o relihiyong kadahilanan.
      • Mga makatutulong na dokumento na may kaugnayan sa inyong aplikasyon.

    6. Ano ang mga dokumento at mga makatutulong na mga doukumento ang kakailanganin?
      Nagbabago ang mga kailangang mga dokumento at makatutulong na mga dokumento depende sa uri ng aplikasyon na inyong gagawin. Para sa iba pang mga impormasyon mangyaring tunghayan sa mga checklist sa likuran ng inyong Visa Application Forms, o kaya naman sa Required documents page.

    7. Paano ko malalaman ang pag-usad ng aking aplikasyon?
      Maari mong subaybayan ang kalagayan ng iyong aplikasyon mula sa website na ito. Mangyaring ipasok ang bilang ng iyong resibo (receipt number) at petsa ng kapanganakan (date of birth) upang malaman ang kalagayan ng inyong mga dokumento. Maaring makita ang bilang ng iyong sanggunian (reference number) sa gawing taas-kaliwa ng resibong ibinigay sa iyo nang panahon ng iyong aplikasyon.

      Halimbawa:


    8. Anong haba ng visit visa ang maari kong aplayan dahil unang pagkakataon ko pa lamang bumisita ng UK?
      Inirerekomenda sa mga aplikante na maglalakbay sa UK sa unang pagkakataon na magsimulang mag-apply para sa anim (6) na buwang visa. Subalit, kung hihiling ang mga unang maglalakbay ng visa para sa isa (1), dalawa (2), lima (5) o sampung (10) taon, maari nilang gawin ito na batid na NON-REFUNDABLE o hindi na maibabalik ang ibinayad sa visa sakaling desisyunan ng British Embassy, ayon sa kanilang diskresyon, na maglabas lamang ng anim (6) na buwang visa.

    9. Kung kinakailangan kong bawiin ang aking aplikasyon, maibabalik ban g British Embassy ang aking ibinayad sa visa?
      Walang nang maibabalik (no-refund) na ibinayad sa anumang pagkakataon.

    10. Gaano katagal ito?
      Para sa mga aplikasyong non-settlement visa, sisikapin ng visa section na maproseso ang mga aplikasyon sa loob ng dalawampung (20) araw na may trabaho o higit pang araw na maaring maaskiaso ito. Nagreresulta ang prosesong ito ng tatlong kahihinatnan: paglalabas ng visa, pagtanggi ng visa o kaya naman kailangan mong dumaan sa isang panayam (interview). Kung kakailanganing kapanayamin, nilalayon ng embassy na makapagbigay ng appointment sa loob ng labing limang (15) araw na may trabaho.

      Para sa mga aplikasyong settlement visa, sisikapin ng visa section ng embassy na proseso ito sa loob ng tatlong (3) buwa. Muli, maaring magkaroon ng isa sa tatlong kahihinatnan: paglalabas ng visa, pagtanggi ng visa o kaya naman kailangan mong dumaan sa isang panayam (interview). Kung kakailanganin the embassy targets to process applications in 3 months. Again there will be one of three outcomes: issuance of visa, refusal of visa, or interview. Kung kakailanganing kapanayamin, nilalayon ng embassy na makapagbigay ng petsa para rito sa loob ng tatlong (3) buwan.

    11. Kailangan ko ba ng isang visa para sa UK?
      May ilang nasyunalidad, kilala bilang mga visa national, na kakailanganin ang isang visa bago makapaglakbay patungong UK. Kahit na hindi ka isang visa national, maari mo pa ring kailanganin ang isang clearance sa pagpasok, depende sa iyong mga dahilan sa pagpunta ng UK. Gamitin ang mga katanungan sa "Do I need a Visa sa website ng British Embassy upang malaman kung kailangan mo ng isang visa.

      Kakailanganin mo rin ang isang visa kung ikaw:

      - walang bansa o estadong kinabibilangan
      - may hawak ng isang dokumento sa paglalakbay bilang non-national
      - may hawak na isang pasaporte na ipinagkaloob ng ilang kinauukulang hindi kinikilala ng UK.

    12. Maari ba na ang aking kaibigan o kapamilya na nasa UK ang mag-apply para sa aking visa?
      Hindi, maari lamang maglabas ng mga visa para sa UK sa mga opisina ng UK visa sa ibayong dagat. Kung kailangan ng iyong kaibigan o kapamilya ng isang visa, kailangan nilang kumuha nito bago sila makapaglakbay patungong UK. Tingnan ang Information for Sponosors para sa iba pang mahahalagang impormasyon ukol dito.

    13. Maari bang iba pang indibidwal ang mag-apply para sa aking visa sa ibayong dagat?
      Hindi na ito posible simula noong ika-31 ng Mayo, 2007, sapagkat ipinakilala na ng British Embassy ang bagong sistemang biometric-scanning para sa lahat ng mga aplikante na kung saan bawat aplikante'y kinakailangang bumisita nang personal sa Application Centre sa oras ng pagsa-submit
       
    14. Paano kung hindi ako nakauunawa o nakaiintindi ng Inggles?
      Sa nakararaming mga opisina ng visa, nasusulat sa sariling (mga) wika ng bansang iyon ang mga application form. Mayroon ding staff o tauhan ng bawat opisina nabanggit ang nakapagsasalita ng partikular na (mga) wika roon


      Iba pang Madalas na mga Katanungan (Frequently Asked Questions) ang matutunghayan sa UK Border Agency website.
© Copyright . All rights reserved.  Disclaimer