|
|
|
Opisyal Na website para sa UK sa Pilipinas
- Agosto 27, 2010: Ipinatutupad ang mandatoryang pagsumite ng aplikasyon gamit ang Online Application form.
Simula sa 13 Setyembre ng taong ito, maari lamang mag sumite ng aplikasyon ng Visa para sa UK gamit lamang ang online application form na maaring kumpletuhin gamit ang UK Border Agency website. Para sa karagdagang impormasyon sa pag sumite na aplikasyon maari lamang na bisitahin ang UK Border Agency website at piliin ang kategoryang
online application facility.
- Agosto 26, 2010: Tier 4 Student Visas - Mahalagang paalala patungkol sa kakayahan pang pinansyal. Ang mga aplikanteng mag susumite ng aplikasyong para sa Tier 4 Student General ay pinapaalalahanan na maging angkop sa itinalagang pamantayan patungkol sa kanilang kakayanang mintinahin ang kanilang pinansyal na kapasidad, ang hindi pagsunod ay maaring maging dahilan ng hindi pag bibigay ng kaukulang visa para sa inyong layuning pag aaral sa UK. Para sa karagdagang impormasyong patungkol sa kakayanang pang pinansyal maaari lamang na basahin ang patunabay na nasa UK Border Agency website.
- Agosto 19, 2010: British Council online survey. Sa lahat ng may interes mag aral na may kwalipikasyong pang Internasyonal, kayo ay malugod naming inaanyayahan na sumali sa pinakamalaking Global Student Survey, at magkaroon ng pagkakataong manalo ng premyong ipinamimigay. Ang Student Decision Making Survey ay isang pangmalawakang pagkalap ng estatistika kaugnay sa mga interesadong magaaral na may nais na magpakadalubhasa ng pag aaral sa ibayong dagat o sa kanilang sariling bansa. Ang survey ay kumakalap ng impormasyon tulad ng kung bakit ninanais ng ibang mag aaral na mag aral sa ibayong dagat, ano ang kanilang hanap sa isang Institusyong pag aaralan, tamang lokasyon at angkop na kursong pag aaralan, at kung saan sila maaring humanap na naaakmang impormasyon. Ang survey ay maaring umabot sa loob ng kinse minutos para makompleto. Ang lahat na makakalap na impormasyon ay maaring makatulong upang mapalawak pa ng lubos ang kaalaman ng Organisasyong pang Edukasyonal kung ano ang nararapat na pagtuunan ng pansin upang makapagkaloob ng mas magandang serbisyong pang Edukasyon. Harinawa ay maging maayos ang inyong hinaharap sa inyong pag aaral at maraming salamat sa inyong pag partisipa sa aming Survey.
- Agosto 17, 2010: Talaan ng inaprobahang English Language Testing for Partners. Ang gobyerno ng UK ay nag anunsyo ng plano para sa Hunyo 2010 na ipatupad ang pangkalahatang pagsusulit ng Ingles para sa lahat ng aplikanteng mag susumete ng aplikasyon papuntang UK na magpapakasal o makikisama sa kanilang kapareha na hindi kabilang sa migranteng Europa. Sa oras na ito ang UK Border Agency ay nag anunsyo ng mga talaan ng kwalipikadong Institusyon na maaring pag kuhanan ng pagsusulit sa Ingles. Para sa karagdagang impormasyon sa bagong pag babago o para malaman ang talaan ng mga kwalipikadong Institusyon maaring lamang na bisitahin ang
question and answers document sa UK Border Agency website.
- Agosto 12, 2010: Ipinatutupad ang pagkuha ng pagsusulit sa Ingles sa lahat ng aplikante ng mag susumete ng aplikasyon para sa kategoryang mag aaral ng Tier 4 General. Ang pang kalahatang pag kuha ng pagsusulit ng Ingles ay ipanatutupad sa lahat ng aplikanteng nais mag sumite ng aplikasyon para sa Tier 4 General na may kursong mas mababa sa degree level (hindi kabilang ang foundation degrees). Ang mga mag aaral na mag susumete ng aplikasyon para sa nasabing kurso ay kanakailangan mag pakita ng katibayan ng kwalipikasyon ng pagsusulit sa Ingles. Para sa karagdagang impormasyon maaring lamang na bisitahin ang UK Border Agency website.
- Hulyo 22, 2010: Inaanunsyo ang pagkuha ng pagsusulit sa Ingles para sa mga aplikanteng mag susumite ng aplikaskon para sa kategoryang Student Tier 4 General. Ang Gobyernong Britanya ay nag anunsyo ng pag papatupad ng pangkalahatang pag kuha ng pagsusulit sa Ingles para sa mga aplikante may sapat na gulang na nais kumuha ng kursong mas mababa sa lebel ng kwalipikasyon para Tier 4 General. Ang bagong direktiba ay ipapatupad sa ika 12 ng Agosto 2010. Para sa karagdagang impormasyon maaring lamang na bisitahin ang UK Border Agency website.
- Hulyo 19, 2010: Pagtatama ng Student Tier 4 Policy Guidance. Noong ika 13 ng Hulyo 2010 kami ay nag lathala ng bagong bersyon ng Tier 4 Guidance na naglalaman ng ilang pagbabago. Ang dokumentong ito ay naglalaman ng ilang lathalain na nag uugnay sa pagkuha ng pagsusulit sa Ingles para sa aplikante ng Tier 4 General. Ngunit ito ay hindi pa awtorisadong ipinatutupad.
Ang maling bersyon ay ipinatigil at pinalitan ng tama noong ika 14 ng Julyo 2010. Maari lamang na siguraduhin na kayo ay gumagamit ng tamang bersyon ng Tier 4 Policy Guidance.
- Hulyo 19, 2010: Mahalagang pag babago para sa aplikante ng Tier 1 General simula sa ika 19 ng Hulyo 2010. Kaugnay sa pagsunod sa naunang anunsyo ng Gobyernong Britanya , dalawang mahalagang pagbabago ang ipapatupad para sa aplikante ng Tier 1 General simula sa araw na ito ika 19 ng Hulyo 2010.
- Paglimita sa bilang ng aprobadong Visa para sa Tier 1 General mula July 19 2010 hanggang Marso 31, 2011
- Ang puntos ng kwalipikasyon para sa Tier 1 General ay itinaas mula 95 hanggang 100
Para sa karagdagang impormasyon maaring lamang na bisitahin ang Tier 4 policy guidance. Kabilang sa lahat ng limitasyon ang aplikante ng Tier 2. Para sa karagdagang impormasyon maaring lamang na bisitahin ang UK Border Agency website.
- Hulyo 13, 2010: Kaukulang pagbabago para sa Tier 4 Guidance kaugnay sa Student Loans at mag aaral ng may International Baccalaureate Qualifacations. Noong Hulyo 12, 2010 ang karagdagang impormasyon patungkol sa Tier 4 Point based system ay inilathala. Ito ay patungkol sa mga aplikanteng gumagamit ng Loan Letter o di kay'y mga aplikanteng mag aaral na ginawaran ng International Baccalaureate Qualification noong ika 5 ng Hulyo 2010. Para sa karagdagang impormasyon maaring lamang na bisitahin ang UK Border Agency website at piliin ang pinakabagong impormasyon ukol sa Tier 4 Policy Guidance.
- Hulyo 12, 2010: Mag ingat sa mga mapaglinlang na UK visa website. Kamakailan lamang ay aming napagalaman na may mga websites na gumagamit ng kaparehong pangalan ng opisyal na website na itinataguyod ng UK Border Agency at ng kanilang Commercial Partner, VFS Global at World Bridge. Ang mga impormasyong naka paloob sa nasabing website ay napagalamang mali at walang katotohanan kaugnay sa tamang proseso ng pagkuha ng UK visa.
Ang mga sumusunod na talaan ang tangi lamang opisyal na website na kinikilala ng UK Border Agency.
Aming ipinapaala na iwasan ang mga website na wala sa talaan at nag sasabing sila ay kaisa ng UK Border Agency. Maaring itinataguyod sa pang komersyal na layunin lamang at hindi pinagkalooban ng karampatang pahintulot ng let us know. Maari lamang na ipagbigay alam sa kinauukulan ang iba pang suliranin na kaakibat ng nasabing paalala.
- Hulyo 2, 2010: Aplikante ng Tier 4 - mag sumete ng aplikasyon ng visa ng mas maaga. Sa pag sapit ng panahon ng tag araw importanteng mag sumete ng aplikasyon para sa visa ng mas maaga. Ito ay makakatulong sa amin na magkaroon ng sapat na panahon upang ma proseso ng mas maayos ang inyong dukomento upang umabot sa simula ng inyong klase. Para ito ay maisakatuparan maari kayong mag sumete ng aplikasyon 3 buwan bago ang simula ng klase. Para sa mga kursong mas mahaba sa anim na buwan ang balidad ng inyong visa ay isang buwan bago ang simula ng inyong kurso, at pitong araw naman para sa mga kursong mas maiksi sa anim na buwan. Para sa karagdagang impormasyon maaring lamang na bisitahin ang UK Border Agency website at piliin ang Processing time page.
- Hunyo 28, 2010: Ang Gobyernong Britanya ay mag papanukala ng limitasyon para sa mga migrating di kabilang sa Europa.
Ang bilang ng mga manggagawang papunta sa UK na adi kabilang sa Europa ay lilimitahan ng bagong patakaran. Si Theresa May ng UK Home secretary ay nag anunsyo ng paraan kung anu-ano ang pinal na limitasyon na napagkasunduan kasunod ng labindalawang linggong konsultasyon ng mga interesedong partido. Sa kasalukuyan ang limitasyong ipinapanukala ay upang maiwasan ang madaliang pagsumete ng aplikasyon para sa visa at ang bilang ng Pang empleyong visa ay naaayon sa lebel tulad ng taong 2009. Para sa karagdagang impormasyon maaring lamang na bisitahin ang UK Border Agency website.
- Hunyo 24, 2010: Ang limitasyon ukol sa pag gawad ng Visa para sa mga Manggagawang sakay ng barkong pangisda sa karagatan ng UK ay ipinatigil simula sa ika 31 ng Mayo 2010. Ang UK Border Agency ay matagumpay na naipatupad ang konsesyong na hindi nakapaloob sa patakarang Imigrasyon noong Marso 1 2010 patungkol sa pagkakaloob ng visa para sa mga manggagwang mangingisda ng hindi kabilang sa migranteng Europa sakay ng barkong pangisda. Simula sa ika 31 ng Mayo 2010 wala ng aplikasyon ng nasabing visa ang maaring tanggapin. Para sa karagdagang impormasyon maaring lamang na bisitahin ang UK Border Agency website para sa mga bagong karagdagang anunsyo simula sa ika 9 Hunyo 2010.
- Hunyo 16, 2010: Bagong kwalipikasyong sa Ingles para sa mga aplikanteng kapareha ng Banyagang Uk. Ang UK Border Agency ay nag kaloob ng bagong patnubay para sa pagsusulit ng wkang Ingles para sa mag sumusunod:
- Migranteng Nasyonal na di kabilang sa European Economic Area at Switzerland
- Migranteng Nasyonal na karelasyon ng British citizen o migranteng national na nakatira sa UK
- Migranteng nasyonal na mag susumete ng aplikasyon para sa pag aasawa, kaparehang sibil, o kaparehang pareho ang kasarian.
Para sa karagdagang impormasyon maaring lamang na bisitahin ang UK Border Agency website para sa mga bagong karagdagang anunsyo simula sa ika 9 Hunyo 2010.
- Hunyo 09, 2010: Migranteng magpapakasal sa banyagang UK dapat matuto ng wikang Ingles.Pangkalahatang ipinatutupad ang pagkuha ng pag susulit sa wikang Inlges para sa mga aplikanteng di kabilang sa Migranteng Europa na mag susumete ng aplikasyon para upang mag asawa o tumira sa UK. Ang bagong patakaran ay ipatutupad simula sa panahon ng Autumn 2010 para sa lahat ng nais mag asawa, umanib sa kapareha sa mag kaibang kasarian o sa parehong kasarian, sa may mag kasintahang magpapakasal sa Banyagang UK o sa migranteng pirmanenteng nakatira sa UK. Ang pangkalahatang pagsusulit sa wikang Ingles ay maari lamang maisakatuparan sa Organisayong itinalaga ng UK Border Agency na sumasakop sa lahat apikasyon ng visa sa ibayong dagat o sa loob bansang UK. Ang kabuuang detalye ay matatagpuan sa UK Border Agency website.
- Mayo 21, 2010: Mga pagbabago sa UK Border Agency website. Kaalinsabay ng pangkalahatang halalan ng Mayo 2010 sa UK ang Gobyernong Britanya ay nagpatupad ng pagbabago sa website. Maaaring may ibang pahina sa website na hindi na mabuksan kaugnay ng mga pagbabagong estratehiya nakarang Gobyerno. Ang impormasyong kaugnay sa paraan ng pag sumete ng aplikasyon ay patuloy na maaring gamitin sa nasabing website.
- Abril 15, 2010: Abo'ng ka-akibat ng pagsabog ng bulkan naka antala sa biyaheng pang himpapawid sa UK Amin pong ipinababatid na lubos na naka antala sa biyahing pang himpapawid and nangyaring pag sabog ng bulkan na nagdulot ng abala sa mga biyaherong papasok at palabas ng UK. Amin pong imunumungkahi na mang na konsultahin ang airline para sa karagdang impormasyon ukol sa biyahe.
- Marso 31, 2010: Pagbabago sa halaga ng pag sumete ng aplikasyon para sa UK. Ang halaga ng aplikasyong ng visa para sa UK ay kasalukuyang babaguhin sa website na ito sa ika 6 ng Abril 2010 ka-akibat ng taunang pag analisa sa halaga ng Visa. Dapat tandaan na ang ibang halaga ng visa ay maaring magbago kung ang pagsusumete ng aplikasyon ay sa ika 6 ng Abril o matapos ang ika 6 ng Abril 2010. Matapos ang ika 6 ng Abril and tamang halaga ng visa ang dapat sundin sa pag babayad sa paraang online o local na paraan man.
- Marso 31, 2010: Bagong serbisyong pamantayan para sa mga Parokyano ng Visa sa UK.
Ang pagbabago ukol sa serbisyong pamantayan (customer service standards) para sa parokyano ng Visa sa UK ay ipatutupad simula sa ika 1 ng Abril 2010 ng UK Border Agency. Ang pagbabago ay naglalayong mapabilis ang pamantayan ng pagbibigay ng kaukulang desisyon sa bawat aplikasyon ng visa'ng naisumete. Naglalayong tumapos ng 90 porsyentong apilikasyon ng visa (di kabilang ang Settlement) sa hindi lalagpas ng tatlong lingo, 98 porsyentong sa loob ng 6 na Linggo at 100 porsyento sa loob ng 12 Linggo. Ang mga pagbabago kaugnay sa Biometric, apilang inayunan ng Hukomang pang Imigrasyon ay magpapatupad din ng mga pagbabago. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa pamantayan ng parokyano, maaring lamang na bisitahin ang UK Border Agency website
|
|