|
|
- Current Updates
- PETSA PARA
SA SKILLED (Tier 2) at PANSAMANTALANG MANGGAGAWA (Tier 5)
ipinahayag
- MGA
BUMIBISITANG MAMUMUHUNAN (Business Visitors) HAHARAP SA MAHIGPIT
NA MGA
BAGONG ALITUNTUNIN
- Maaari nang gumamit ng serbisyong SMS ang mga aplikante
ng Visa upang malaman ang kalagayan ng kanilang aplikasyon.
Makatatanggap ng SMS ang mga aplikante na nagnanais malaman
ang kalagayan ng kanilang aplikasyon sa oras na natapos ang
proseso ng kanilang aplikasyon at kung handa nang makuha ang
kanilang pasaporte sa UK Visa Application Centre. Maaring
magkaroon ng ganitong serbisyo sa maliit na halaga na Php28.00
kada aplikasyon. Magtanong sa aming mga service desk para
sa serbisyong nabanggit sa panahon ng inyong pagsa-submit
ng aplikasyon. Opsyunal ang serbisyong ito na sumasakop sa
tiyak na takda at kondisyon. Pinapayuhan kayo na basahin ang
mga probisyong pumapaloob sa mga takda at kondisyon bago piliin
ang kondisyong ito. (SMS
Disclaimer).
- Bagong pangangailangan para sa Work Permit Visa Category
- Bagong mga Bayarin ng Visa Applicatio na epektibo mula
ika-19 ng Nobyembre 2008
- Dapat kompletuhin ng mga Istudyante at Seamen ang Online
Application Form
- Bagong pangangailangan para sa
Student Visa Category
Isang "Print out" mula sa The
Register of Education and Training Providers, na nagkokompirma
na ang kasalukuyang nakatala (registered) ang UK Educational
Institution
- Bagong pangangailangan para sa
Seafarer Visa Category - Sulat nang Garatiya mula sa inyong
agent
na kasama ang sumusunod:
a. Ang daungan (port) na inyong sasakyang barko at ang susunod
na pagdadaungan (port of call)
nito (ilagay ang pangalan ng daungan at hindi lamang ang bansa).
b. Nakaraang paglalakbay ng barko sa nakalipas na tatlong
buwan at nakatakdang paglalakbay sa
susunod na tatlong buwan matapos dumaong sa UK).
*Kinakailangang isama ang mga impormasyong ito ng mga barko
liban sa sa mga Cargo/Tanker sa liham ng Garantiya.
- Bagong address ng British Embassy, Manila:
120 Upper McKinley Road,
McKinley Town Center,
Fort Bonifacio, Taguig City 1634 Metro Manila
- Dahil sa Mahigpit na Seguridad at upang maiwasan ang pagkaabala
sa pagsa-sumbit ng aplikasyon,
WALANG anumang bag ang maaring ipasok sa loob ng Visa Apllication
Centre. Tanging aplikasyon at mga kasamang dokumento lamang
ang maaring payagang dalhin sa loob ng VAC.
- Panahon ng Pagpo-proseso
Nilalayon ng British Embassy, Manila na maproseso ang mga
aplikasyon ng non-settlement (di-paninirahan) sa loob ng tatlumpong
(30) araw na may trabaho at tatlong buwan naman para sa mga
aplikasyong settlement (paninirahan).
- Bank Charges - Mangyaring tandaan ang mga sisinisingil
ng Bangko sa panahon ng inyong
pagbabayd ng aplikasyon sa Visa na nakatala sa sumusunod na
opsyon sa pagbabayad:
- Para sa CASH over the counter - Php 120.00
- Para sa ATM BancNet - Php 50.00
- Para sa Online BancNet - WALANG BAYAD
Liban ang mga nabanggit na singil ng bangko sa mismong mga
halaga ng aplikasyon sa Visa - e.g. 5,850.00 + 120.00 = 5,970.00
- Php 5,970.00 ang magiging kabuuang bayad.
Para sa mga detalye sa proseso ng pagbabayad, mangyaring tumungo
sa link na applying.
|
|